MANILA, Philippines - Patay ang isang binatilyo nang tangkain nitong agawin ang baril ng isang guwardya kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa batok ang biktimang si Oliver Malvar, 16, nakaÂÂtira sa naturang lungsod.
Nasa custody naman ng Valenzuela City Police ang suspect na si Jose Renaldo Ocampo, 40, guwardya ng isang drugstore, na matatagpuan sa McArthur Highway, Brgy. Karuhatan ng naturang lungsod.
Ayon sa pagsisiÂyasat ng Valenzuela City Police, naganap ang insiÂdente dakong alas-4 ng madaling-araw habang naka-duty ang suspect nang lapitan at tutukan ito ng patalim ni Malvar sabay sabing “akina na yan baril moâ€.
Nang makuha na ni Malvar ang .9mm ni Ocampo ay nagawang mahawakan ng susÂpect ang kamay ng biktima hanggang sa magpangbuno ang mga ito.
Nagawang makuha ni Ocampo ang baril sabay pinutukan si Malvar na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Napag-alaman na dati nang nakaagaw ng baril sa ibang guwarÂdya sa nasabing lugar si Malvar.