^

Metro

Pintor inutas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pintor nang barilin ng hindi nakilalang suspect habang papasakay sa kanyang bisikleta upang  manood sa sinalihang “quiz bee” ng kanyang anak sa Quiapo, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot si  Harry Wisely, 72, ng 24 Oscariz St., Basan, Quiapo.

Inilarawan naman ang suspect  na may taas na 5’8’’-5’9’’, nakasuot ng kulay pink na t-shirt at maong na pantalon na tumakas ma­tapos ang insidente.

Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong ala-1:25 ng hapon nang naganap ang insidente sa Basan St., Quiapo, Maynila.

Ayon sa asawa ng biktima na si Marjorie, papunta sana sa paaralan ng kanyang anak ang biktima para panoorin ang sinalihan nitong quiz bee nang lapitan siya ng suspect at walang sabi-sabing binaril ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Wala namang alam si Marjorie kung ano ang motibo sa pagpatay sa kanyang asawa. Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpatay.

vuukle comment

AYON

BASAN ST.

HARRY WISELY

INILARAWAN

JAY SANTOS

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

OSCARIZ ST.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with