MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng konseho ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang project engineer ng Valenzuela-Obando Meycauayan (VOM) Mega Dike Project hinggil sa pagkakaroon ng depekto nito, samantalang ginastusan ito ng halagang P55 milyon.
Sa naging privileged speech ni Valenzuela City 1st District Councilor Rovin Feliciano kamakalawa, hiniÂling nito sa kanyang mga kapwa konsehal na ipatawag sa sesyon ang project enÂgineer ng naturang proyekto na si Engineer Elias de Guzman upang makapagpaliwanag hinggil sa umano’y pagkakaroon ng depekto ng VOM Mega Dike Project.
Ayon kay Feliciano, karaÂpatan ng mga residenteng nakikinabang sa VOM Mega Dike Project na malaman kung bakit nagkakaroon ng depekto ang naturang proyekto dahil pera ng taumbayan ang ginagamit sa paggawa nito.
Base sa nakarating na impormasyon kay Feliciano, nagkakaroon na ng depekto ang dike na kasalukuyang ginaÂgawa partikular sa Brgy. Wawang Pulo, Valenzuela City patungong Brgy. Tawiran at San Pascual, Obando, Bulacan.
“Ang nasabing bahagi ng proyekto ay nagkakahalaga ng P55 milyon, papayag po ba tayo na ang proyekto na nagkakahalaga ng ganoong kalaki ay hindi natin mapakinabangan nang maayos at hindi pa natatapos ay lumaÂlabas na ang mga depekto,†ani ng naturang konsehal.
Bukod pa rito, bago pa man dumating ang pananaÂlasa ng hanging habagat nitong nakalipas na Agosto ay lumalabas na ang bitak ng nasabing proyekto at gumuguho na rin ang lupa na siyang pundasyon ng dike.
Layunin ng VOM Mega Dike Project na mabigyan ng permanente o pangmaÂtagalang solusyon ang problema sa pagbaha na ilang dekada na ring idinadaing ng mga naninirahan sa ilang barangay ng Valenzuela at karatig na bayan ng Obando at Meycauayan sa Bulacan.