P2 taas-pasahe sa jeepney, giit
MANILA, Philippines - Iginiit ng transport group na Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buhayin nito ang P2 fare hike petition na naisampa nila noong mga nagdaang buwan para maging P10 ang minimum na pasahe sa mga passenger jeepney.
Ngayon ay P8 ang minimum na pasahe sa jeep.
Ang P2 fare hike petition ay nailagay na lamang noon ng LTFRB sa archive dahil bumaba ang halaga ng gasolina ilang araw maÂkaraang maisampa sa ahensiya ang petisyon.
Pero ngayon, sinabi ni ACTO President Efren de Luna, mainam na buhayin ng ahensiya ang kanilang petisyon dahil sobrang taas na ngayon ng halaga ng mga produktong petÂrolyo na umaabot sa P45 kada litro ang halaga ng diesel at P55 per liter sa gasolina.
Kahapon, ganap na alas-11 ng umaga ay nagÂhain ng motion to lift archive at motion to set an immediate hearing para sa pagÂbuhay sa nilulumot na nilang petisyon dahilan sa pagtaas ng presyo ng petroleum products.
Bumaba na ang kita ng mga driver bukod sa nagkaroon ito ng domino effect sa halaga ng mga bilihin at mga bayarin sa serbisyo.
November 2012 ay itinigil ng LTFRB ang pagbusisi sa naturang petisyon dahil nagkaroon noong panahong iyon ng oil price rollback.
- Latest