QC magkakaroon ng bagong sistema sa suspensyon ng klase

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng mas sistematikong pamamaraan ng suspensyon ng klase sa Quezon City.

Ito ay makaraang atasan ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang QC disaster response offices upang  gumawa ng isang sistema na siyang magsisilbing gabay sa deklarasyon ng suspensyon ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon pa kay Bau­tista, ang pagkakansela ng klase ay hindi lamang nakabatay sa maaaring maibunga ng bagyo kundi ang ina­asahang epekto ng kalamidad tulad ng pagbaha dahil sa matinding pag-uulan.

Isa rin sa mga ikokonsedera sa  pagkansela ng klase ang mga pampublikong paaralan na nagsi­silbing evacuation center para sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.

 â€œWe must devise a system. If we could use the yellow, orange and red alert levels that PAGASA and our national agencies utilize in monitoring the amount of rainfall then, why not adopt it,” dagdag ni Bautista.

 

Show comments