MANILA, Philippines - Arestado ang isang 25-anyos na lalaki na miyembro ng “salisi gang†nang maÂaktuhan sa pagnanakaw ng cellphone sa isang pasÂyente sa loob ng ward ng Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Nakapiit na sa Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section ang suspect na si Roldan Demo, alyas “Danâ€, ng Block 31, Area II, Sapang Palay, Del Monte, Bulacan dahil sa reklamo ni Karren Callao, 21, ng Tambo, Parañaque City.
Ayon kay PO3 Ferdinand Leyva ng MPD-Station 5, dakong alas-8:00 ng umaga nang maaresto ang suspect habang papalabas ng Ward 15, ng PGH.
Nabatid na natutulog ang biktimang bagong panganak sa Bed 14 nang maÂalimpungatan sa kaluskos at naaktuhan niya ang suspect na ginagalaw ang kanyang bag.
Nang kanyang lingunin ay nakita ang paÂpaalis na suspect at wala na ang kanyang Lenovo cell phone, na ipinasa sa kasama niyang babae saka mabilis na lumabas ng ward. Agad naman siyang inaresto ng ruÂmespondeng security guard ng ospital. Hindi na narekober ang cell phone na naÂtangay ng kasabwat ng suspect.