^

Metro

Traffic enforcer nagwala, ‘pinatahimik’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta  ang isang traffic enforcer makaraang saksakin ng isang lalaki matapos na magwala ang una habang nakikipag-inuman kasama ang mga kabarkada, kamakalawa sa Parañaque City.

Hindi na umabot ng buhay sa South Super Highway Medical Hospital ang biktimang si Diosdado Salver dela Cruz, 51, ng Brgy. Marcelo Green, Parañaque City sanhi ng tinamong tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Jojo Aguilar,  kapitbahay ng nasawi.

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, dakong alas-7:00 ng gabi ay nakikipag-inuman ang biktima sa tapat ng kanilang bahay kasama ang mga kaibigan. Nang malasing, nag-umpisa nang magwala at maghamon ng away kaya nilayasan ito ng mga kainuman.

 Patuloy pa ring nagwala ang biktima hanggang isang lalaki ang lumapit dito at sunud-sunod itong inundayan ng saksak.  Kinilala naman ng nakasaksing pamangkin ng biktima ang suspek na si Aguilar na siyang sumaksak sa kanyang tiyuhin.

Dagdag naman ni Jederna dela Cruz, asawa ng biktima, na habang isinusugod sa hospital ang asawa ay paulit-ulit nitong binabanggit na pangalan ni Jojo Aguilar na siyang sumaksak sa kanya.

 

AGUILAR

BRGY

BULAGTA

CITY POLICE

CRUZ

DIOSDADO SALVER

JOJO AGUILAR

MARCELO GREEN

SOUTH SUPER HIGHWAY MEDICAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with