^

Metro

Iskul binulabog ng ‘bomba’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela ang klase sa isang elementary school matapos mabulabog ang mga guro at mga estudyante nang makatanggap ng text message na may sasabog na bomba sa loob ng kanilang paaralan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Base sa nakalap na impormasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang makatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng text message ang principal ng Pangarap Elementary School sa North Caloocan na si Dr. Rose Lorenzo.

Ayon sa faculty president na si Myla Taunan, nakasaad sa text na “May bombang sasabog diyan sa eskwelahan mula ngayong oras na ito.”

Agad na ipinagbigay-alam ito sa ibang opisyal ng paaralan saka mabilis na pinalabas ang mga estudyante kung saan inabisuhan din pati ang mga nasa Pangarap High School na pader lang ang pagitan sa mababang paaralan.

Itinawag din sa mga barangay official at sa pulisya ang nasabing insidente na mabilis namang ru­mesponde ang mga tauhan ng bomb squad ng Caloocan City Police sa naturang paaralan.

Sinuyod ng mga K-9 unit ang lahat ng sulok ng eskwelahan at matapos ang masusing imbestigasyon ay wala namang natagpuang bomba sa nasabing paaralan.

Pinauwi na rin ang mga estudyante matapos kanselahin ang klase mula umaga hanggang hapon sa nasabing eskuwelahan.

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DR. ROSE LORENZO

MYLA TAUNAN

NORTH CALOOCAN

PANGARAP ELEMENTARY SCHOOL

PANGARAP HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with