Media lounge pinasinayaan

MANILA, Philippines - Pinasinayaan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang media lounge kung saan inihayag din nito ang transparency program ng ahensya. Dito ay nanawagan si Biazon sa mga customs accredited reporters na pangalagaan ang bagong media lounge at panatiliin itong malinis kasabay ng BOC media reforms program. Ayon kay Bia­zon, kailangan niya ang tulong ng mga mamamahayag dahil ang mga ito ang tatayong mga watchdogs kontra korupsyon sa BOC. Naniniwala si Biazon na unti-unting masasawata ang  korupsyon sa ahensiya kung magtutulung-tulong lamang ang lahat ng sector.

 

Show comments