MANILA, Philippines - Isinilid sa loob ng isang drum saka sinementuhan pagkatapos ay itinapon sa creek ang isang babae na iniulat na nawawala sa Quiapo, Maynila, kaÂhapon.
NaÂmamaga na ang buong katawan nang maÂtagpuan sa loob ng sinementong drum ang biktimang kinilalang si Ma. Kristine de Guzman Ricafrente, ng Burgos St., Paco, Maynila.
Kinilala ito ng kanyang ina na si MerceÂdita de Guzman, 56, sa pamamagitan ng mga tattoo na “Michael†at bulaklak na Rosas sa kanang hita.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:15 ng umaga nang makita ng mga residente malapit sa Arlegui creek sa Arlegui St. Quiapo, Maynila ang nabanggit na drum na lumulutang kaya ito iniÂreport sa pulisya.
Nabatid na noon pang gabi ng Agosto 24, 2013 nang magpaalam ang biktima na pupunta sa kaibigang si “Jokang†subalit napag-alaman na hindi ito doon pumunta kundi sa bahay ng isang alyas “Khalil†sa Quiapo, Maynila.
Nalaman lamang ng ina ng biktima na hindi ito nagtungo kay Jokang nang magtungo ito noong Agosto 28 para alamin kung bakit ‘out of coverage’ ang cellphone nito at hindi makontak ang kaibigan.
Nang malamang nagtungo kina Khalil ay pinuntahan nila ito sa tulong ng mga pulis subalit hindi umano inaÂbutan si Khalil, bagkus ay damit lamang ng bikÂtima ang nakita sa bahay nito.
Nang matagpuan ang nasabing drum, ipiÂnaalam ito kay Gng. De Guzman na siyang nagkumpirma na ang bangkay ay ang nawawalang anak.
Patuloy namang piÂnaghahanap ng pulisya si Khalil at iniimbesÂtigahan ang motibo ng pamamaslang.