Jeep vs van: 24 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawampu’t apat na katao ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep at bumangga sa isang van kung saan nadamay ang isa pang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pansol, lungsod ng Quezon.
Ang mga sugatang biktima ay kinabibilangan ng mga driÂver ng jeep (TXL-891) na si EdilÂberto Mateo, 41; Alfredo Antonio, 51, driver ng van (UFP-744) at Placido Amoranto, 42, driver ng nadamay na pampasaherong jeep (TXY-774) ay agad na isinugod sa ospital.
Ayon kay PO3 Perlito Datu ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU), karamihan sa mga sugatan ay pasahero ng jeepney ni Mateo.
Sa imbestigasyon, nangyari ang banggaan ganap na alas-7:00 ng gabi sa kahabaan ng Kaingin 2 Ibaba Road, Brgy. Pansol, sa lungsod.
Ayon kay Datu, bago ang insidente, binabagtas ng van na minamaneho ni Antonio at pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Mateo ang kahabaan ng Kaingin 2 Road galing sa direksyon ng Katipunan Avenue papunta ng Marikina nang mawalan ng preno ang huli.
Upang makaiwas sa posibleng pagkahulog sa ilog, binangga ng jeep ang kaliwang bahagi ng van. Subalit, sa bilis ng pagpapatakbo ni Mateo ay nagtuluy-tuloy ito hanggang sa sumalpok naman ito sa isa pang jeepney na minamaneho ni Amoranto.
Dahil sa lakas ng impact, tumagilid ang PUJ ni Mateo, dahilan para magtamo naman ng mga injuries ang mga pasahero nito.
Agad na dinala ang mga sugatan sa Quirino Memorial Medical Center upang lapatan ng agarang lunas.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.
- Latest