2 fetus, natagpuan sa QC

MANILA, Philippines - Dalawang fetus ang natagpuan­ sa magkahi­walay na lugar sa Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang isa sa mga fetus ganap na alas-8:00 ng uma­ga sa isang compound sa Velencio Castillo Elementary School na matatagpuan sa Payatas A, sa naturang lungsod. Nakabalot ito sa puting tuwalya.

Samantala, isa ring fetus na nasa apat hanggang limang buwan ang natag­puan sa kahabaan ng Villonco St., Brgy. Common­wealth, sa lungsod ganap na alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa mga barangay tanod, natagpuan ang fetus sa lugar na nakabalot sa lam­pin.

Show comments