MANILA, Philippines - Patay ang isa sa tatlong holdaper makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad matapos mangholdap ng pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Inilarawan ni PO1 Julius Raz, imbestigador ng kaso, ang nasawing suspect na may taas na 5’4’’, nakasuot ng puting sando at itim na jersey shorts.
Samantalang mabilis naÂÂmang nakatakas ang daÂlawa pa nitong kasama.
Nangyari ang panghoholdap ganap na alas-10:25 ng gabi sa panulukan ng Quezon Avenue at D. Tuazon St., Brgy. Doña Josefa, sa naturang lungsod.
Ayon sa driver na si Benjie Delosa, bago ang insidente, minamaneho niya ang kanyang pampasaheÂrong jeep (TXP 325) at binabagtas ang Quezon Avenue nang sumakay ang tatlong suspect pagsapit ng Welcome Rotonda at nagpanggap na mga pasahero.
Ilang sandali pa, pagda ting sa naturang kalye, agad na inilabas ng mga suspect ang kanilang mga baril at patalim at saka nagdeklara ng holdap.
Agad na nilimas ng mga suspect ang mga gamit at pera ng mga pasahero at saka dali-daling bumaba ang mga ito at tumakas.
Tiyempo namang nagpapatrulya sa lugar ang grupo ng mga pulis ng QCPD Station 11 nang mapansin ang kaguluhan.
Hinabol ng mga ito ang mga suspect na noo’y hindi pa nakakalayo at sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga pulis na gumanti na rin ng putok kung saan tinamaan ang isa sa mga suspect.
Narekober sa nasaÂwing suspect ang isang kalibre .38 at may lamang tatlong bala.