Driver nagulungan ng bus, lasog

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 41-anyos na tsuper nang aksidente itong magulungan ng bus na ginagabayan nito sa pag-atras kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang  si Richard Eugene, residente ng Brgy. Lantik, Carmona,  Cavite.

Pinaghahanap naman ang driver na suspect na si Valerio Manibo, naninirahan sa Purok 1 Dagat, Dolores, Quezon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marianito Agas,  ng Traffic Enforcement Unit ng Pasay City  Police, nangyari ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi  sa loob ng parking area ng DLTB Bus sa Gil Puyat Avenue ng na­turang lungsod.

Inaatras ni Manibo ang minamanehong bus kung saan ginagabayan siya ng nasawi nang aksidenteng magulungan ang kapwa nito driver.

Isinugod ang biktima sa naturang ospital, subalit hindi na umabot ng buhay at ang suspect naman ay mabilis na tumakas.

Show comments