^

Metro

Salvage victim ikinahon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang  biktima ng  salvage ang natagpuang  nakakahon sa ilalim ng puno ng Acacia sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Nasa edad na 45-55, may taas na 5’2”-5’3”, payat, kayumanggi, kalbo, nakasuot ng itim na long sleeveshirt at shorts na checkered  ang biktima na may tatlong saksak sa dibdib, nakagapos  ang mga kamay ng plastic straw, nakatali ng kulay pulang sinturon ang mga paa at nababalot ang mukha ng packaging tape.

Ayon kay  SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas-4:30 ng madaling-araw kahapon nang mapansin ng mga tricycle driver ang na­sabing kahon sa ilalim ng puno, sa panulukan ng Sobriedad at Matimyas St., sa Sampaloc, Maynila.

Una umanong sinipa ang kahon at nang maramdaman na may malambot sa loob ay pinagdudahan ang laman nito kaya ipinarating sa pulisya.

Inaalam pa kung sino ang posibleng nag-iwan ng nasabing kahon  para matukoy ang motibo at pagkilanlan ng biktima.

vuukle comment

AYON

GLENZOR VALLEJO

INAALAM

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MATIMYAS ST.

MAYNILA

SOBRIEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with