MANILA, Philippines - Sa kabila ng tuluy-tuloy na pag-ulan, dalawang sunog ang sumiklab sa mga lungsod ng Pasay at Makati kahapon. Dakong alas-6:41 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang bodega na naglalaman ng mga imbak na mga damit. Naapula naman agad ang apoy makaraan ang dalawang oras. Sumiklab rin ang isa pang sunog dakong alas-9 ng umaga sa ikalawa at ikatlong palapag ng hardware store na Ayala Builders sa may EDSa Magallanes sa Makati City.
Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula ng mga tauhan ng Makati Fire Department dakong alas-10:30 ng umaga. Nahirapan umano ang bumbero na agad na maapula ang apoy dahil sa pagsiklab ng mga naka-stock na mga pintura at iba pang kemikal sa loob ng tindahan. Sinasabing nag-ugat ang sunog dahil sa “faulty electrical wiring†ng establisimiyento. Wala namang naiulat na nasaktan sa dalawang naturang insidente ng sunog.