^

Metro

La Mesa Dam, umapaw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pag-apaw ng tubig sa La Mesa dam sa Quezon City bunga ng patuloy na pag -ulan na dala ng bagyong Ma­ring at epekto ng habagat. Sa isang panayam batay sa 3 pm latest monitoring kahapon, sinabi ni Mr. Jeric Sevilla, head ng corporate communications ng Manila Water Corporation na nagmamantine sa La Mesa Dam, anya umabot na sa 80.32 meters ang tubig sa naturang dam.

Sinabi ni Sevilla na umaabot lamang sa 80.15 meters ang spilling level ng La Mesa dam kaya’t ang mga residente sa ibaba nito malapit sa may Tullahan river ay dapat nang lumikas.

Anya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at local government units para mabigyan ng babala at abiso ang mga tao doon na hindi na dapat pang magtagal sa kanilang lugar upang hindi maapektuhan ng matinding pagbaha. Nilinaw din nito na wala silang binubuksang gate ng La Mesa dam kundi ang umaapaw na tubig ay buhat sa ulan na labis ng nakaukopa sa naturang dam.

ANYA

DAM

LA MESA

LA MESA DAM

MANILA WATER CORPORATION

MR. JERIC SEVILLA

NILINAW

PATULOY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with