MANILA, Philippines - Mahigit sa 1000 pamilya ang inilikas sa mga evacuation areas dahil sa pagbabaha sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Makati, Mandaluyong, San Juan at Marikina, ayon sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa nakalap na imporÂmasyon ng MMDA, nasa 436 pamilya ang inilikas sa mga Barangay Concepcion, Malanday at Nangka sa Marikina; 200 pamilya sa Baseco,Tondo, Maynila; 65 sa Quezon City; 80 pamilya sa mga Barangay Bangkal, Mabini, at Rizal sa Makati; 125 pamilya sa Barangay Addition Hills, Daang Bakal, Mabini at Poblacion sa Mandaluyong, 58 pamilya sa BaÂrangay Salapan, Kabayanan, at Balong Bato sa San Juan.
Sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez na mas handa ngayong taon ang mga lokal na pamahalaan sa agarang paglilikas sa kanilang mga residente kumpara noong nakaraang taon nang tamaan din ang Metro Manila ng habagat na nagdulot ng matinding pagbabaha.
May maayos na rin umano ngayong koÂordiÂnasyon ang mga lokal na pamahalaan sa MMDA. Patunay nito ang paghiram ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ng “resÂcue boats†at sandbags sa kanila. Sa kabila nito, sinabi ni Jimenez na nakaalerto sila hanggang Miyerkules kung saan inaasahan na tuluyan nang magiging maayos ang kundisyon ng panahon.
Mabilis naman umanong humupa ang baha sa San Juan at Araneta Avenue dahil sa operasyon ng kanilang Balong Bato pumping station. Lahat umano ng kanilang 51 pumping stations ngayon ay “operational†at may sapat na krudo. Ito ay upang maiwasan ang naganap na problema noong nakaraang taon ng maÂtinding pagbabaha sa Taguig City matapos na maubusan ng diesel ang pumping station nila doon.
Samantala, puwersahang namang pinalikas ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang mga pamilya na patuloy na naÂninirahan sa mga danger zones kasabay ng walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Maring at ng habagat.
Nasa 342 pamilya sa 12 barangay sa lungsod ang pinalikas sa iba’t ibang evaÂcuation centers sa lungsod tulad ng mga “gymnasium, day care centers, at mga baÂrangay halls. Ang naturang mga pamilya ang naninirahan sa Maricaban creek at Tripa de Galina.
Samantala, may kabuuang 352 pamilya ang inilikas ng Marikina City Government mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod dahil na rin sa pagbaha bunsod ng walang humpay na pag-ulang dala ng habagat, na pinaigting ni bagyong Maring, simula pa noong Linggo.
Nabatid na nasa 171 paÂmilya ang pansamantalang nanunuluyan sa H. Bautista EleÂmentary School, 25 pamilya naman ang nasa Malanday Elementary School at sa Concepcion Integrated School na may 16 pamilya.
May 32 pamilya ang kaÂsalukuyang nasa Filipinas Village Gymnasium at 108 pamilya naman sa Bulelak gymnasium habang inilikas din ang ilang residente ng Balubad St., Brgy. Nangka na kung saan nasa 80 pamilya ang nanunuluyan sa Nangka Elementary School.
Ayon sa Marikina City Government, ang mga residente ay inilikas dahil sa pagtaas sa alert level 2 sa Marikina river dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi, bagamat ibinaba rin naman ang alerto sa level 1 kahapon dakong alas-12:00 ng tanghali.