MANILA, Philippines - Hilo pa ang isang 79-anyos na Japanese national nang maghain ng reklamo laban sa kaniyang kababayan na gumamit umano ng ‘ativan’ habang sila ay kumakain sa isang restaurant at tangayan siya ng 300,000 Japanese Yen, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa biktimang si Tadonari Oka, negosyante at pansamantalang nanunuluÂyan sa Boulevard Mansion sa no. 1440 Roxas Blvd., Ermita, Maynila sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) , nakita niya na kinuha ng kanyang kapwa Japanese national na si Tetsuro Honma, 57, may-asawa, nanunuluyan din sa nasabing mansion house, ang kaniyang 300,000 Japanese Yen.
Sa ulat ni PO2 Dennis Suba, dakong ala-1:10 ng hapon ng Sabado nang kumain ang biktima at suspect sa restaurant na nasa ibaba ng kanilang tinutuluyang Boulevard Mansion. Habang kumakain ay nakaramdam umano ng hilo ang biktima matapos siyang uminom ng tubig hanggang sa magpahatid na ito sa kaniyang silid.
Nang ihatid siya ng suspect sa silid, kahit hilong-hilo siya at inaantok ay nakikita pa niya na kinukuha ng suspect ang kaniyang pera at bago siya iwan ay nagsalita ito sa kanilang lengguwahe na katumbas ng salitang “Ano buhay ka pa?.â€
Nang beripikahin, nakaalis na umano ng bansa ang suspect at nakabalik na sa Japan.