Lalaki tinodas dahil sa droga

MANILA, Philippines - Hinihinalang may kinalaman muli sa iligal na droga ang naganap na pamamas­lang sa isang lalaki na pi­nagbabaril ng tatlong lalaki, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Isinugod pa ngunit hindi na rin umabot ng buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Gil Vergara, 34, ng Phase 2 Tumana, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Tikom naman ang bibig ng mga residente ukol sa tatlong salarin na bumaril sa biktima.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang krimen dakong alas-4 ng mada­ling- araw sa Phase 2, NBBS. Ayon sa ilang nakausap ng pulisya, nakita nila ang biktima na tumatakbo at hinahabol ng tatlong lalaki na armado ng baril.

Nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril hang­­gang sa matagpuan ang duguang biktima na si­naklolohan naman ng mga opisyal ng barangay. Sa ka­bila nito, wala namang nais na maging testigo sa krimen kung saan hirap ang pulisya sa pagkilala sa mga salarin.

Show comments