Trader na ‘tulak’, arestado

MANILA, Philippines - Isang 44-anyos na ne­gosyante na suma-sideline sa pagtutulak ng shabu ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng shopping mall sa QC.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang na­huling suspek na si Raki’in Sindab, residente sa Quiapo, Manila.

Una rito nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni Atty. Jacquelyn de Guzman, hepe ng  PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA-RO-NCR) laban kay Sindab matapos bentahan ng humigit kumulang sa 100 gramo­ ng shabu ang isang PDEA agent sa loob ng rest­­room sa may basement ng  shopping mall sa Quezon City.

Nakapiit ngayon si Sindab sa PDEA detention facility sa Quezon City matapos ka­suhan ng paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II or Republic Act 9165, kilala rin sa tawag na Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Ani Cacdac , nakahuli  na rin ang team ng PDEA-SES ng apat na big-time drug pushers  noong July 2, 2013 sa may food court naman  ng isa ring kilalang shopping mall sa lungsod.

 

Show comments