MANILA, Philippines - Pormal nang binuksan ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang “Tindahan ni Ate Joy†Program sa inner-ground lobby ng QC Hall kahapon.
May P10,000 halaga ng paninda ang naipagkaloob bilang start-up capital sa may 200 napiling mga house-bound solo-parents na sumailalim sa screening at training.
Ang naturang programa ay isa sa mga paraan ni Vice Mayor Belmonte para sa poverty alleviation programs na layuning mapahusay at makabuo ng home-based industry opportunities laluna sa mga solo parents at head of the family upang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan na pang suporta sa pamilya at bilang pagkilala sa kanila bilang kaagapay sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, ang naturang hakbang ay bilang tugon na rin ng kanyang tanggapan sa mga hinaing ng mga solo parents na magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan.
Batay sa QC Anti-Poverty Task Force baseline household survey noong 2011,karamihan sa mga walang trabaho sa lungsod ay mga kababaihan at 78.59 percent sa mga ito ay mga nasa bahay lamang.
Sa mahabang panahon, ang mga house-bound mothers ay nakakaligtaan na bahagi sila sa pagpapasigla ng komunidad at madalas na hindi prioridad na mabigyan ng maayos na hanapbuhay.
Malaki ang paniwala ni Vice Mayor Joy Belmonte na ang mga ito ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad sa pamayanan at kailangang bigyan ng oportunidad na matulungan na sumigla ang kabuhayan kasama ng mga anak para makapamuhay ng maayos.