15-anyos sinaksak ng barbeque stick ng karibal

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-aagawan sa nililigawan, isang  binatilyo ang sugatan matapos na saksakin ng  barbeque stick ng kanyang karibal kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Gil Gabuya ng Sta. Ana Po­lice Station 6, ipinag­harap ng kasong slight physical injury ng bik­timang si “Ian”, ng Road 5,
 Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana ang suspect na si “Don”, 16, ng #2575 Tejeron st., Sta. Ana, Maynila.


Naganap ang insi­dente dakong alas-2:30 ng hapon nang magka­salubong umano ang dalawa at magpang-abot hanggang sa masaksak ni Don si Ian sa likod ng napulot na barbeque stick.


Ipinagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktima dahil sa tinamong saksak sa likod.


Matagal na umanong may alitan ang dalawa dahil sa pagiging magkaribal sa isang dalagitang kapwa nila nililigawan.


Sadyang itinago ang tunay na pangalan ng dalawa upang ma­protek­tahan ang kanilang pagkikilanlan.

 

Show comments