MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta ang Cavite Mayors sa pagkaÂkaroon ng Southwest Integrated Terminal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa makakatulong din ito sa pagsugpo sa maraming kolorum na pampublikong bus sa lalawigan.
Pumirma sa isang “manifesto†ang mga miyembro ng Cavite Mayor’s League na sumusuporta sa Southwest Integrated Terminal para mapaluwag din ang daloy ng trapiko sa kani-kanilang munisipalidad.
Sa pulong kay Chairman Francis Tolentino sa MMDA Office, nangako si Noveleta, Cavite Mayor Enrico Alvarez, pangulo ng Cavite Mayor’s League na ipapaliwanag nila sa mga nasasakupan, bus operators at mga pasahero ang mga buting idudulot ng terminal.
Samantala, nagsumite naman ng petisyon ang MMDA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humihiling sa pagpapababa sa pasahe sa mga bus na sakop ng operasyon ng integrated bus terminal.
Kung maaaprubahan, magiging malaking tulong ito sa mga pasahero na kailangang lumipat pa ng sasakyan sa pagbaba sa terminal at maÂngangahulugan ng dagdag pamasahe.
Nakatakdang opisyal na magbukas ang Southwest Integrated Terminal sa Agosto 6 sa Uniwide reclamation area, Parañaque City. GaÂgamit ito ng “biometric-based system†kung saan isasailalim sa finger-scanning ang mga tsuper para sa beripikasyon kung may ilang traffic violation na ito at kung maaari pang makabiyahe.