MANILA, Philippines - Instant millionaire ang tipster ng nasakoteng Sub-commander ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom (KFR) matapos itong mabitag ng pinagsanib na elemento ng PNP-Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) at Intelligence Security Group ng Phil. Army sa operasyon sa Quezon City, ayon sa opisyal kahapon.
Sa press briefing sa Camp Crame, inianunsyo ni PNP-CIDG Chief P/Director Francisco Uyami Jr. ang pagkakahuli sa suspect na si Taib Basal Sali, alyas Gong-gong Sali/Abu Husni.
Samantala, sinabi ni Uyami na tatanggap ng P5.3 milyong reward ang tipster ni Sali, Sub-commander ng Abu Sayyaf na sangkot sa kidÂÂnapping ng mga manggaÂgawa at mga nurses sa BaÂsilan noong 2001.
“The information that led to the arrest came from a tipster which was further validaÂted by the victims from Basilan,†pahayag ng opisyal.
Ayon kay Uyami si Sali ay nasakote ng mga awtoridad noong nakalipas na Huwebes bandang alas-11:30 ng tanghali sa operasyon sa Brgy. Payatas, Quezon City pero nitong Lunes lamang inanunsyo dahil isinalang muna sa tactical interrogation.
Ang suspect ay Sub-commander ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon na notoryus sa kidnapping for ransom at bombing.
Kasabay nito, ayon sa opisyal ay nabulgar naman na bukod kay Sali ay may iba pang Abu Sayyaf Group ang gumagala sa Metro Manila bagaman hindi nito tinukoy ang eksaktong bilang kaÂugnay ng patuloy na manhunt operations.
Nabatid na ang suspek ay galing Saudi Arabia at dumaÂting sa bansa ngayong buwan kung saan nagtago ito sa Brgy. Payatas, para magÂbakasyon muna umano sa Metro Manila.
Inihayag ng opisyal na isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention sa mga manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Brgy. Tairan, Lantawan noong Hunyo 11, 2001 at apat na nurse ng Dr. Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan City noong Hunyo 2, 2001. Ang warrant ay inisyu ni Judge Leo Jay Principe ng Regional Trial Court Branch 1 at Judge Danilo Bucoy ng Regional Trial Court (RTC), Branch 2; pawang sa Isabela City, Basilan.
Sa impormasyon nakuha ng ahensya, ang suspect ay umalis sa bansa noong 2006 bilang electrician/lineman sa Riyadh, Saudi Arabia kung saan nagbalik lamang ito sa bansa para magbakasyon kaÂugnay ng Ramadan at nagÂpaÂplanong muling luÂmabas sa Pilipinas kung hindi nasakote. Patuloy namang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ang nasakoteng suspect.