Solon biniktima ng ‘basag-kotse gang’

MANILA, Philippines - Nabiktima ng kila­bot na ‘basag-kotse gang’ si Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng kung saan natangay ang ma­ha­halagang gamit, kama­kalawa ng hapon sa Pasay City.

Dahil sa bigo na naman ang pulisya na ma­dakip ang mga salarin, walang nagawa ang dri­ver ni Congressman Tieng na si Erwin Inot, 43, ng Bagumbong, Caloocan City kundi iulat na lamang sa Pasay City Police ang naturang pagnanakaw.

Ayon kay Inot, dakong alas-12 ng tanghali nang iparada niya ang Toyota Land Cruiser na may plakang “8” na pag-aari ni Tieng sa parking area ng isang  fastfood restaurant sa kanto ng Macapagal at Gil Puyat Avenue at sandali niyang iniwan upang mananghalian.

Nang balikan niya ang sasakyan matapos ang 30-minuto, nadiskubre na niya na binasag ang salamin ng kotse at nawa­wala na ang baril, Apple laptop computer at Apple Ipad gadget na pag-aari ng mambabatas.

Napag-alaman na ilang ulit ng nagkaroon ng insidente ng nakawan sa mga nakaparadang sa­sakyan sa Macapagal Avenue na ang ilan ay nahagip pa ng close circuit television (CCTV) ca­mera subalit patuloy na nananatiling nakakalaya ang mga kriminal.

Show comments