MANILA, Philippines - Tigilan na ang word war!
Ito ang mariing pahayag kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas laban sa mga nagpapalitan ng maanghang na mga akusasyong mga opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng isyu ng Chinese drug lord na si Jackson Dy.
Nag-ugat ang insiÂdente kasunod ng pagkakaaresto ng PNP-CIDG-Anti-Organized Crime Division sa mag-asawang big time Chinese drug lord na si Li Lan Yan alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang LI Na sa Infanta Subdivision, Little BaÂguio, San Juan City noÂong Hulyo 13 ng madaÂling-araw.
Kaugnay nito’y dalawang whistleblower na sina Roy Delvo Miralles, guwardiya ng subdibisÂyon at ang hardinerong kinilalang si Dino na nagpanggap pang mga pulis ang lumutang at inakusahan ang team ng PNP-CDG – AOCD ni Sr. Supt. Mario Espino na umano’y kinulimbat ang P20M at pinag-agawan ang saku-sako ng shabu na umaabot ng 80 kilo nang araw na aresÂtuhin ang mag-asawa ni Jackson Dy.
Agad namang tinaÂningan ni Justice Secretary Leila de Lima ang nasabing mga whistleblower na nasa kustodya ng NBI sa pagsasabing matibay ang testimonya ng mga ito dahilan sila’y mga pulis na kasama sa operasyon.
Bumuwelta naman ang grupo ni Espino na sinabing isang ahente ng NBI ang protektor ng drug lord na si Jackson Dy kung saan ay nairita si de Lima at sinabing kakasuhan ang natuÂrang opisyal ng perjury na una na ring nagalit ng tukuyin ng CIDG officer ang pangalan ng natuÂrang mga witness.
Hindi rin itinanggi ng nasibak na pinuno ng 19 man team ng PNP-CIDG ang pagkadismaya dahilan ‘big fish’ umano sa sindikato ng droga ang kanilang nalambat pero ang kapalit ay ‘on the spot investigation’ sa halip na proÂmosyon dahilan lamang sa paglutang ng binansagan nitong mga pekeng pulis na whistleblower na sa simula pa lamang ay nagsisinuÂngaling na umano.
Samantalang , pinagÂsabihan rin ni Roxas si Espino na ilabas ang nalalaman nitong impormasyon hinggil sa mga protektor ng sindikato ng droga.
Iginiit pa ni Roxas na ang trabaho ng naturang mga law enforcement agencies ay habulin ang mga kriminal na kalaban ng batas at hindi makabubuti kung magbabaÂngayan ang mga ito.
Sa isang text message matapos namang isailalim sa PNP Holding Center dahilan sa pagkakasibak habang sinisiyasat ang alegasyon, sinabi ni Espino na hihintayin nila ang resulta ng imbestigasyon.
“I have said everything already, we will just wait for the result of the investigation and the truth is on our sideâ€, ang sabi pa ng opisyal.