MANILA, Philippines - Inakusahan kahapon ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Anti- OrÂganized Crime Division (PNP-CIDG-AOCD) Chief P/Sr. Supt. Jose Mario Espino na isa umanong agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsisilbing protektor ng naarestong drug lord na si Jackson Dy.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Espino na nakuha nila ang impormasyon sa guwardiya mismong si Roy Dello Miralles na nagpapanggap na pulis na siya ngayong hawak na testigo ng Department of Justice laban sa kanya at 19 pang mga pulis na kanyang kasamahan.
Si Miralles at isang hardinero na nakilala lamang sa alyas na Dino ang nagbunyag na pinag-agawan umano ng grupo nina Espino ang saku-sako ng shabu at P20 milyon sa raid sa bahay ni Jackson Dy nang arestuhin ito.
Una nang itinanggi ni Espino ang paratang sa pagsaÂsabing propaganda lamang laban sa kanila ang pagluÂtang nina Miralles at Dino na hinihinala nitong nasuhulan na umano ng mga kasamahan sa big-time drug syndicates para sirain ang kredibilidad ng PNP.
Si Espino ang namuno sa operasyon para hulihin ang big-time Chinese drug lord na si Li Lan Yan alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang Li Na sa raid sa Infanta Subdivision sa Little Baguio, San Juan City noong Hulyo 13 ng madaling-araw.
Gayunman, tumanggi muna si Espino na ibunyag ang pangalan ng sinaÂsabing NBI agent na proÂtektor ni Jackson Dy.
Sa kabilang banda, nagpaÂhayag naman ang opisyal ng kahandaang sumailalim sa imbestigasyon pero dapat aniya ay sa isang “super body†na makakakuha sila ng patas na pagtrato.
Aniya, kuwentong kutsero lamang umano ang pinagsaÂsabi sa DOJ ng dalawang witÂness na sa simula pa lamang ay nagsisinungaling nang magpakilala ang mga itong pulis.
Samantala, isa umanong napakaseryosong akusasÂyon ang ibinabato ni Espino sa NBI kaya dapat na maglabas ang mga ito ng ebidensiya na magpapatibay na nagsisilbing protektor ang miyembro ng NBI sa convicted big-time druglord na si Jackson Dy.
Ayon kay NBI Director Nonnatus Rojas, hindi patas ang nasabing paratang maÂliban na lamang kung masusuportahan iyon ng ebiÂdensya.
Sinabi pa ni Rojas na ito ang unang pagkakataon na lantarang inakusahan ng CIDG ng ganoong uri ng paratang ang NBI.(Dagdag ulat ni Ludy Bermudo)