Call center agent, nag-suicide!

MANILA, Philippines - Bunsod umano ng matin­ding depresyon kaya nagawa ng isang call center agent na magpatiwakal sa pamama­gitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Sta. Lucia, Pasig City, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Mario Robillos, 30, ng Unit C, Engineer and 51st St., Soldiers Village, Brgy. Sta. Lucia, nabanggit na lungsod.

Si Robillos ay natagpuan ng kanyang live-in partner na si Marcelle Martinez na nakabigti sa bakal na grill ng hagdan, gamit ang hose at may laslas sa braso dakong alas-6:00 ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Rolando Anselmo Jr. ng Pasig City Police, nabatid na bago ang insidente ay nagpaalam umano si Martinez sa nasawi na aalis at magtutungo sa ina nito sa Antipolo City.

Gayunman, laking gulat  ni Martinez nang sa kanyang pag-uwi ay matagpuan ang live-in partner na nakabigti at may sugat sa braso.

Sa salaysay ni Martinez sa pulisya, lumilitaw na posibleng depresyon ang dahilan ng pag­papakamatay nito dahil ilang araw na umano niyang napapansin na tahimik ito at may malalim na iniisip.

Iginiit rin ni Martinez na hindi sila nag-away ng biktima bago ito nagpakamatay dahil iniiwasan niyang mag-away sila ng lalaki lalo na’t ilang ulit na umano nitong tinangka  na magpakamatay ngunit napipi­gilan lamang.

Nakadiskubre ng mga awtoridad ang patalim at ilang bote ng beer sa mesa ng bahay­, gayundin ang isang suicide note, bagamat hindi naman tinukoy ang nilalaman nito.

Show comments