Kelot patay sa rider

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang lalaki makaraang ratratin ng hindi pa nakikilalang suspect, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktimang si Roland Budomo, 44, residente ng Riverside St., Brgy. Commonwealth sa nasabing lungsod.

Nangyari ang insidente ganap na alas-11:15 ng gabi sa tapat ng Nitoy’s Barbeque and Litson Manok sa Riverside St., Brgy. Commonwealth.

Bago ang insidente, nakatambay ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspect at walang habas itong pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ito, agad na tumakas ang suspect sakay sa isang motorsiklo na hindi naman naplakahan ng mga nakasaksi.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang nangyaring insidente.

Show comments