^

Metro

2 sunog sa Makati: 3 katao sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasugatan sa dalawang magkasabay na sunog na naganap sa Makati City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report ng Makati City Fire Department, dakong  alas-10:19 ng umaga nang masunog  ang residential area sa may Botanical Garden sa Urban Avenue, Brgy. Pio del Pilar malapit sa Makati Medical Center.          

Nabatid na unang inakyat sa ikalawang alarma ang naturang sunog, ngunit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay itinaas ito hanggang sa General Alarm.

Alas-11:30 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sitwasyon at kaagad namang napasugod  sa lugar si Makati  City Mayor Junjun Binay para umalalay sa mga nasunugan.

Wala  namang napaulat na nasaktan sa sunog habang hindi  pa rin matukoy ang sanhi at lawak ng pinsala ng sunog.

Gayunman, mahigit sa 300 pamilya ang naapektuhan sa sunog at ito’y pansamantalang ililipat sa isang  bakanteng lote sa may ilalim na Skyway na  ma­lapit lamang sa nasunog na lugar. Nagdulot din ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.

Kasabay nito, isa pang hiwalay na sunog ang sumiklab sa anim na palapag na residential building sa may Kamagong, sa panulukan ng Bagtikan Sts., Brgy. San Antonio ng naturang lungsod.

Tatlo ang napaulat na nasaktan, na pawang residente ng naturang nasunog na gusaling may pangalang Doña Guadalupe building.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng mga sugatang biktima.

Itinaas sa Task Force Alpha ang sunog pasado alas-10:30  bago ito idineklarang under control dakong alas-11:47 ng umaga. Tiniyak naman ng alkalde na pagkakalooban ng financial assistance ang mga apektadong residente.

BAGTIKAN STS

BOTANICAL GARDEN

BRGY

CITY MAYOR JUNJUN BINAY

GENERAL ALARM

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE DEPARTMENT

MAKATI MEDICAL CENTER

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with