^

Metro

Kawani ng BIR niratrat, todas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang isang kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng hindi pa kilalang mga sa­larin sa Sampaloc, Manila, ka­hapon ng madaling-araw. Patay na nang idating sa UST  Hospital  ang biktimang si Paul Parezo, 39, residente ng  Miguelin St., Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong bala sa likod.

Tumakas naman sakay ng kulay itim na Starex van na hindi­ naplakahan ang dalawang suspect. Sa ulat ni PO3  Jupiter Tajonera ng MPD-Ho­micide Section, dakong alas-4:15 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa Laon-laan St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na habang lulan ang biktima ng kanyang Montero Sport nang pagdating­ sa nasabing lugar ay parahin siya ng dalawang suspect  na bumaba mula sa kanilang nakatigil na kulay itim na Starex van. Ilang minuto lang ay ilang ulit na pinaputukan ng mga suspect ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay sumakay muli ang mga sus­pek sa kanilang sasak­yan saka tuluyang tumakas. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

 

BLANGKO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

JUPITER TAJONERA

MAYNILA

MIGUELIN ST.

MONTERO SPORT

PAUL PAREZO

SHY

STAREX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with