MANILA, Philippines - Nagpapatuloy ang concrete re-blocking na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunaÂhing lansangan mula kahapon, Biyernes hanggang Lunes ng madaling-araw.
Inabisuhan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa lugar na magkakaroon ng pagkukumpuni upang hindi mabalahaw sa buhul-buhol na trapiko.
Kabilang sa mga lugar na tatamaan ng re-blocking ang: EDSA mula Fema Road hanggang Kaingin footbridge, EDSA mula Kaingin Road hanggang Dario Bridge at Commonwealth Avenue mula North Susana hanggang Luzon Avenue (south-bound) sa Quezon City.
Sa Mandaluyong City, sa EDSA mula Boni Avenue hanggang Mayon Street; at sa Caloocan City, sa EDSA mula A. de Jesus U-turn slot hanggang J. Mariano St.at sa EDSA mula G. de Jesus St. hanggang Malvar Street (north-bound).
Magpapakalat naman ang MMDA ng dagdag na mga tauhan sa naturang mga lugar at maglalagay ng mga alternatibong ruta.