MANILA, Philippines - Patay ang isang 61-anyos na lola nang ma-sandwich ng dalawang magkakabit na taxi nang bigla itong tumawid, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Mercedez Arcaolli, residente ng Crisostomo St., Sampaloc, habang nasa kustodiya naman ng Manila Police District-Traffic Enforcement Group (MPD-TEG) ang taxi driver na nakilalang si Anderson Gardoque.
Sa ulat ni SPO4 Edison Bertoldo ng MPD-TEG, dakong alas-10:27 ng gabi nang ma-ganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Laong-Laan at Crisostomo Streets.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga saksi, posibleng hindi napansin ng biktima na ang magkasunod na taxi ay magkaÂkabit o hatak-hatak ng nasa unahan. Sa pagitan naman nito tumawid ang matanda kaya siya naipit. Natumba pa ito at pumailalim kaya tuluyang nagulungan.
Dahil sa sigawan ng mga saksi kaya napaÂhinto na rin ang driver na si Gardoque at isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan idineklara itong patay. Inihahanda ang isasampang kasong reckless imprudence resulting in homicide sa driver.