MANILA, Philippines - Umabot na sa 209 ang mga tinamaan ng sakit na dengue sa lungsod ng Pasay.
Sinabi ni Jojo Vitug, surveillance officer ng Pasay Health Office, na ang naÂturang datos ay mula EnerÂo 2013 hanggang Hunyo 25. Lumobo umano ang bilang ng mga tinamaan ng dengue pagpasok sa panahon ng tag-ulan.
Kasalukuyang nasa 14 health centers ang kanilang mino-monitor ngayon sa lungsod kabilang ang mga center sa may Ninoy Aquino InterÂnational Airport (NAIA), LeveÂriza, Malibay, San Pablo at Maricaban na siyang may pinakamatataas na bilang ng nagkakasakit.
Sa kabila nito, sinabi ni Vitug na mas maliit pa rin ang bilang kumpara sa 370 na naitala nila noong 2012 sa kaparehong paÂnahon. Ngunit pinaalalahanan nito ang mga barangay chairman at iba pang mga opisyales na paigtingin ang paglilinis sa kanilang mga nasasakupan upang hindi na lalong lumala ang pagkalat ng sakit.
Samantala, nakatutok din ngayon ang City Health Office sa posibleng pagputok din ng sakit na “lepÂtospirosis†ngayong tag-ulan.
Pinayuhan ng mga health officers ang mga residente na huwag lulusong sa baha ng nakatapak lamang o kung may sugat, upang hindi tamaan ng naturang sakit na buhat sa dumi at ihi ng daga.