MANILA, Philippines - Isang pampasaherong jeep ang sinalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kamakalawa ng gabi kung saan apat na pasahero ang isinugod sa dalawang ospital sa Beata Railroad sa Pandacan, Maynila.
Agad na dinala sa Sta. Ana Hospital sina Rosario dela Cruz, 81; at Aron Jayson Victoria, 15, habang inoobserbahan pa sa PhilipÂpine General Hospital sina Henry Baltogay, 28, at Carmelita Cruz, 69, dahil sa tinamong sugat sa noo.
Ayon sa ilang pasahero, wala umanong bantay ang PNR kaya hindi na naibaba ang harang na nagbibigay ng signal sa mga motorista na may darating na tren.
Sinabi naman ng ibang pasahero na sobrang lakas ng pagpapatugtog umano ng radyo ng driver ng jeep na si Ernesto Luna kaya maaaring hindi nito narinig ang busina ng dumarating na tren.
Matapos ang insidente, tumakas ang operator ng tren na si Boy Ramos habang kinuyog ng mga tao ang makinista ng tren na si Richmond Itay at ang assistant operator na si Angelo Coldas na umano ay kapwa nakainom nang maganap ang insidente.