MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng pamunuan ng Isaac Lopez IntegÂraÂted School sa Mandaluyong City na sinapian ang 20 nilang mag-aaral na hinihinala nilang nag-aartehan lamang nang mag-umpisang magkikisay at makahawa-hawa, kamakalawa.
Ayon kay Loida Matic, Elementary Assistant Principal ng paaralan, base sa “assessment†ng mga guro sa naging gawi ng mga mag-aaral, posibleng umarte lamang ang 20 estudyante.
Base sa isang testimonya ng isa nilang guro, nang bantaan ang ilang estudyante sa ibang klase sa Grade 7 at 8 na ibabagsak ang mga gagaya ay wala namang nangyaring ‘pagsanib’. Isa umano sa mga sinasaniban na mag-aaral nang sabihan na nalaglag ang pera ay pinulot pa ito at saka ibinalik sa bulsa.
Nasuspinde naman ang klase kamakalawa ng hapon sa paaralan nang magsisuguran ang mga magulang ng mga anak at sunduin ang mga ito. Nanawagan naman si MaÂtic sa mga magulang na papasukin na ang mga anak kung hindi ay magkakaroon ang mga ito ng “make-up classesâ€.
Ngunit sa salaysay ng ilang estudyante, isang grupo umano ang naglaro ng “spirit of the glass†ngunit hindi nila naituloy nang mag-recess na at nabitiwan ang baso. Dito na umano may sinaniban at nagkahawa-hawa na.
Nabatid na isinisigaw ng mga estudyante ang pangalang “Princess†at sinasabing nakakita ng isang matangkad at maÂitim na babae bago sila mawalan ng ulirat.