MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang lalaki nang gapangin at tangkain nitong halayin ang isang ginang habang natutulog sa NaÂvotas City kahapon ng madaling-araw. Nahaharap sa kasong attempted rape ang suspect na si Raymund De Leon, 20, ng Tulay 14, Bgy. Daanghari ng naturang lungsod.
Ayon sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw, nabatid na solong natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Riza Raniego, 39, ng Tulay 12, ng naturang barangay, nang pasukin at gapangin ito ng suspect at paghahalikan bago nilalamas ang kaselanan.
Nagising ang biktima na nagÂpapalag at nang makakaÂwala ay lumabas ng bahay at nagsisigaw na nakatawag ng pansin sa mga rumorondang mga tanod.
Hindi na nakapalag ang suspect nang arestuhin ito ng mga tanod bago dinala sa presinto at sinampahan ng nasabing kaso.