MANILA, Philippines - May kabuuang 20 estud yante ng Isaac Lopez InÂtegraÂted School sa Barangay VerÂgara, Madaluyong City ang sinapian umano ng masamang espiritu kahapon na siyang dahilan kaya sinuspinde ang klase sa buong paaralan.
Sinabi ni Edith Septimo, Assistant Principal ng paÂaralan, nagsisigaw, nanlisik ang mga mata at malalakas ang mga estudyante at nagwawala ang mga ito habang sila ay nagkaklase sa loob ng kanilang silid aralan ganap na alas-10:00 ng umaga kahapon.
Pawang mga babae ang sinapian ng bad spirit na nasa second year o grade 8 students.
Ayon kay Lily Dela Cruz, Chairman ng Barangay Vergara, agad silang nagtungo sa paaralan nang makarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa nasabing insidente kasama ang isang Pastor na kinilalang si Boyet Siongco.
Agad na dinasalan ng Pastor ang mga sinapiang mag-aaral hanggang sa unti-unting nahimasmasan, nanlambot at hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanila. Isa-isa na ring dinala ang mga estudyante sa simbahan ng San Felipe, Mandaluyong City.
Anang Pastor, posible umaÂnong may nagambalang espiritu sa ginagawang kontruksiyon sa gym sa paaralan dahil may ilang puno ang naputol ng mga trabahador.
Isang pangalang Princess ang sinasabi ng mga nasaniban at ang kanilang boses ay naging magkakapareho.
Sinabi ng isang sinapian na itinago sa pangalan Rona, may nakita umano siyang babaeng matangkad na nakaitim na naglakad sa kanilang silid-aralan sa ikaapat na palapag hanggang sa hindi na niya makontrol ang kanyang sarili at hindi na rin alam ang sumunod na nangyari.
Napasugod din sa paÂaralan si Noriza Nosario, Assistant Superintendent ng Department of Education (DepEd) na siyang nagrekoÂmenda na isuspinde na muna ang klase sa buong paaralan dahil sa insidente.