MANILA, Philippines - Isang tindero ang naÂsawi habang sugatan ang isa pa nang magsaksakan ang mga ito matapos na mag-away nang magkaÂbanggaan ang mga kariton ng kanilang mga paninda sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Namatay noon din ang biktimang si Elmer Bagtaso, 25, vendor, residente ng Venancio Caliwag St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, bunsod nang tinamong pitong saksak sa katawan.
Samantala, arestado naÂman ang suspek na si Gilson Garcia, 24, vendor, at tubong Niyugan Bliss, Jaen, Nueva Ecija, na nagtamo ng sugat sa ulo at kamay.
Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police, na dakong alas-3:45 ng madaÂling-araw nang maganap ang krimen sa loob ng Pasig City Mega Market na matatagpuan sa Urbano Velasco Avenue sa Barangay Malinao.
Bago ang krimen, kapÂwa dala umano ng mga biktima at suspek ang kani-kanilang paninda na naÂkalagay sa mga kariÂton, nang dumaan ang bikÂtima at aksidenteng naÂbangga nito ang mga paninda ng suspek.
Humingi naman umano ng paumanhin ang biktima sa suspek, ngunit inakala ng huli na sinadya ng biktima ang nangyari kaya’t kaagad na inambaan ng suntok ang biktima.
Dahil dito ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa umalis ang biktima at naÂiwan ang suspek.
Gayunman, bumalik umaÂno ang biktima na may dala nang bolo at bigla na lang inatake ang suspek na tinamaan ng taga sa ulo at kamay.
Nagawa naman uma nong makatakbo ng suspek at nakakuha ng patalim na siyang ginamit nito para pagsasaksakin ang biktima sa katawan na ikinasawi nito. Tinangka pa umano ng suspek na tumakas ngunit naaresto rin.