Trader patay sa boga

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang barilin habang nagbabantay ng kaniyang sari-sari store, sa Baseco compund, Port Area, Maynila.

Patraydor at nakatalikod na binaril ang biktimang  si Efren Prestosa,  residente  ng Blk.22 , Lot  40,  Baseco  Compound, Port Area, Maynila, ng isang hindi  pa kilalang suspect na mabilis ding tumakas matapos ang  pamamaril.

Sa ulat, dakong alas- 8:15 ng gabi  nang maganap ang pamamaril  sa mismong  tinda­han ng  biktima, habang ito ay nagbibilang umano ng benta.

Bala sa likod at kamay ang tinamo ng biktima na isinugod sa Justice  Jose Abad Santos General Hospital ng kaniyang anak ngunit binawian din ng buhay ilang minuto lamang matapos itong i-admit sa pagamutan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para mabatid kung ano ang motibo sa naganap na krimen.

Show comments