MANILA, Philippines - Umalma ang ilang broker sa Bureau of Customs (BoC) kasabay ng kanilang panawagan kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, na aksiyunan nito ang umano’y katiwalian ng isa sa kanyang mga tauhan tulad ng panghihingi nito ng malaking “lagay o tong collectionâ€. Inirereklamo ng isang grupo ng mga broker ang umano’y mataas na “tong collection†na hinihingi sa kanila ni alias “Glenda†at umano’y nagsisilbing bagong collector ng ilang opisyal ng BoC.
Napag-alaman na si alias Glenda ay “siga-siga†sa BoC kung saan ipinagmamalaki umano nito na malakas siya sa ilang opisyal ng BoC partikular kina Biazon at BoC Deputy Commissioner Danny Lim kung kaya’t natatakot din ang ilang broker.
Ayon sa mga broker, posibleng hindi alam ni Biazon ang umano’y ginagawang katiwalaan ni alias “Glenda†kung saan nagagamit ang kanyang pangalan sa pangongolekta nito.