Fetus iniwan sa simbahan

MANILA, Philippines - Isang lalaking fetus na tinatayang nasa pitong buwan ang iniwan sa labas ng isang simbahan sa Navotas City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang mapansin ng isang residente ang kahon­ ng sapatos habang nakabalot ng tuwalya sa labas ng San Jose Church sa M. Naval St., Brgy. San Jose ng naturang lungsod.

Agad na itinawag sa mga pulis ang pagkakadiskubre sa fetus kung saan nagkaroon ng koordinasyon sa mga namamahala ng sementeryo sa lungsod kung saan inilibing ang fetus.

 

Show comments