MANILA, Philippines - Nalambat na ng Quezon City Police District si Joemel Salvatierra ang kilabot na lider ng notorious na carnapping group sa Metro Manila, habang ito ay dumadalo sa isang court hearing sa MaÂlolos Bulacan, ayon sa pulisya kahapon.
Si Joemel, alyas Niknok, lider ng nabanggit na carnapping syndicate ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Teresita Asuncion Lacandula-RodriÂguez ng Valenzuela City Metropolitan Trial Court sa kasong illegal possession of firearm, ayon kay Senior Supt. Joel Pagdilao, district deputy diÂrector for administration ng QCPD.
Ayon kay Pagdilao, ang grupo ni Salvatierra ang resÂponsable sa pagtangay sa sasakyan ni dating Senator Nene Pimentel noong Enero 29, 2012 sa harap ng Unan massage parlor na matatagpuan sa kahabaan ng Shorthorn St., corner AberÂdeen St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.
Naaresto ang suspect sa Malolos, BulacanÂ, partikular sa Regional Trial Court Branch 12 habang dumadalo sa hearing ng kasong carnapping, ganap na alas-10 kamakalawa ng umaga.
Sabi ni chief Insp. RoÂderick Tonga, hepe ng anti-carnapping unit ng QCPD, nagawa nilang matukoy ang kinaroroonan ng suspect base sa impormasyon na dadalo ito sa court hearing sa nasabing korte.
Agad nilang inantabaÂyanan ang pagsulpot ni Salvatierra sa korte kung saan bitbit ang warrant of arrest laban sa kanya. Sinabi ni Tonga na dumating umano ang suspect sa korte kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ricardo Garrido kung saan nila ito inaresto.