^

Metro

Lider ng carnapping group, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat na ng Quezon City Police District si Joemel Salvatierra ang kilabot na lider ng notorious na carnapping group sa Metro Manila, habang ito ay dumadalo sa isang court hearing sa Ma­lolos Bulacan, ayon sa pulisya kahapon.

Si Joemel, alyas Niknok, lider ng nabanggit na carnapping syndicate ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Teresita Asuncion­ Lacandula-Rodri­guez ng Valenzuela City Metropolitan Trial Court sa kasong illegal possession of firearm, ayon kay Senior Supt. Joel Pagdilao, district deputy di­rector for administration ng QCPD.

Ayon kay Pagdilao, ang grupo ni Salvatierra ang res­ponsable sa pagtangay sa sasakyan ni dating Senator Nene Pimentel noong Enero 29, 2012 sa harap ng Unan massage parlor na  matatagpuan sa kahabaan ng Shorthorn St., corner Aber­deen St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Naaresto ang suspect sa Malolos, Bulacan­, partikular sa Regional Trial Court Branch 12 habang dumadalo sa hearing ng kasong carnapping, ganap na alas-10 kamakalawa ng umaga.

Sabi ni chief Insp. Ro­derick Tonga, hepe ng anti-carnapping unit ng QCPD, nagawa nilang matukoy ang kinaroroonan ng suspect base sa impormasyon na dadalo ito sa court hearing sa nasabing korte.

Agad nilang inantaba­yanan ang pagsulpot ni Salvatierra sa korte kung saan bitbit ang warrant of arrest laban sa kanya. Sinabi ni Tonga na dumating umano ang suspect sa korte kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ricardo Garrido kung saan nila ito inaresto.

 

BAHAY TORO

BULACAN

JOEL PAGDILAO

JOEMEL SALVATIERRA

JUDGE TERESITA ASUNCION

METRO MANILA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with