FEJODAP official itinumba sa QC
MANILA, Philippines - Patay ang babaeng paÂngulo ng isang asosasyon ng jeepney makaraang pagbabarilin ng isang lalaki habang ang una ay naghihintay ng masaÂsakyan kasama ang kapwa transport leader sa may EDSA lungsod Quezon kamaÂkalawa.
Kinilala ni SPO1 CristiÂtuto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, ang nasawi ay si Cristina Ventura, 56, pangulo ng Medsam FeÂderation of Jeepney OpeÂrators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at residente sa Marabagdal St., Brgy. 96, Caloocan City.
Nangyari ang insidente sa may ilalim ng footbridge sa Oliveros EDSA, Brgy. Apolonio Samson, ganap na alas-5:50 ng hapon.
Bago ito, ang biktima, kasama ang pangulo ng isa pang asosasyon na Stommi Fejodap na si Leyte de Guzman, ay naghihintay ng masasakyang jeepney sa lugar papauwi nang biglang sumulpot ang salarin.
Mula sa likuran ng biktima, ay biglang nagbunot ng baril ang suspect na nakasuot ng jacket na itim at pinagbabaril ang una sa katawan.
Matapos maisakaÂtuparan ang kanyang pagpatay ay agad na sumibat papalayo ang suspect, habang ang biktima ay isinugod naman ni De Guzman sa Manila Central University Hospital, pero nasawi rin habang ginagamot.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang sa biktima, pero tinitignan nila ang posibleng may kinalaman sa hinahawakan nitong posisyon sa asosasÂyon ang nasabing insidente.
- Latest