Driver naglasing muna, bago nagbigti

MANILA, Philippines - Naglasing muna bago nagbigti ang isang pedicab driver sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Manila Central University Hospital si Armando Rosete Jr., 22,  ng Orange St., Brgy.  Potrero ng naturang  lungsod.

Sa pahayag sa Malabon City Police ng ka-live-in ng biktima na si Diana Rose Yambot, 18, kamakalawa ay iniwan niya ang biktima na nagla­lasing sa loob ng kanilang bahay.

Dakong alas-6:00 kamakalawa ng gabi, pagbalik ng babae ay laking gulat nang makitang nakabigti na ng electrical cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Wala naman umanong nakikitang dahilan si Yambot upang magpatiwakal ang kinakasama kung saan inaalam na ng mga pulis ang dahilan nito sa pagpapamakamatay at kung may naganap na foul play sa insidente.

 

Show comments