Posthumous award sa parak na napatay sa duty

MANILA, Philippines - Bumisita kahapon sa burol ng napatay na kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) si National Ca­­pital Region Police Office (NCRPO)  director Leonardo Espina sa Tayuman, Tondo, Maynila.

Sa nasabing pagbi­sita, personal na ini­abot ni Espina ang financial assistance at binigyan ng posthumous award si PO1 Renato­ Tabago, ng QCPD-Station 6, na napatay sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Ang nasabing pulis ay napatay ng ina­aresto niyang drug pusher, habang kasama ang mga ka­barong sina PO3 Heide Santelices at PO2 Allan­ Segua sa isinagawang anti-drug operation sa Batasan Hills, sa lungsod noong Hunyo 9.

Nang makita ang tar­get ay nilapitan uma­no ni Tabago at ng impormante ang aarestuhing suspect  habang ang dalawang kasamahan na pulis ay dumistansya bilang peri­meter security.

Nang aarestuhin na umano ng biktima ang suspect ay nanlaban at bumunot ng matalim na tari ang huli at isinaksak sa ulo at katawan ng uma­arestong pulis.

Hindi pa nakuntento ang suspect at kinuha nito ang 40 caliber ser­vice pistol ng biktima at saka binaril sa noo ang naghihingalong pulis.

Mabilis namang ru­mesponde ang dalawang pulis na kasamahan ng biktima subalit nakatakas na ang suspek hanggang sa isugod ang kanilang kasamahan sa Gen. Malvar Hospital suba­lit hindi na umabot ng buhay.

 

Show comments