Disaster at rescue teams ng QC, handa na sa baha

MANILA, Philippines - Nakahanda na ang disaster at rescue teams ng Quezon City upang ayudahan ang anumang insidente ng kalamidad ngayong panahon ng tag-ulan.

Ito ang inihayag ni QC Mayor Herbert Bau­tista makaraang atasan niya si Department of Public Order and Safety­  (DPOS) chief Ret. Gen. Elmo San Diego na ihan­da na ang lahat ng disaster at  rescue teams gayundin ang mga ka­gamitan upang mapu­nan ang anu­mang emer­gency sa mga lugar sa lungsod  na binabaha.

Kaugnay nito, ang di­­­saster control division (DCD) ng DPOS ay nag­sagawa ng ka­uku­­lang trainings at skills enhancement pro­grams sa mga tauhan para epektibong ma­­katutugon sa mga distressed residents na dapat mailagak sa ligtas na lugar.

Bukod dito ay  mayroon ding dagdag na mga durable at crack-resistant rescue boats na magagamit para ma­ilikas ang mga residente na maaapektuhan ng ma­taas na pagbaha.

Mamamahagi rin ang lokal na pamahalaan ng 20 fiberglass rescue boats sa ilang mga barangay na palagiang binabaha tulad ng barangays Ta­talon, Sto Domingo, Da­mayang Lagi at iba pa.

 

Show comments