Kelot binurdahan ng saksak sa katawan
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na binurdahan ng saksak sa buong katawan at nababalutan ng packaging tape ang mukha, kamay at paa, habang nakasilid sa isang itim na garbage bag ang natagpuan sa isang tulay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay inilarawan sa edad na 25-30, moreno, may taas na 5’6’’, naka-barber’s cut ang buhok, may balbas at tattoo na pangalang Bar sa kaliwang daliri.
Ayon kay PO2 Romeo Niño, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan sa may Aurora Blvd. bridge sa Brgy. Immaculate Concepcion, ganap na alas-5 ng madaling-araw.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng mga tusok sa buong katawan at may bakas pa ng tali sa kanyang leeg na hiniÂhinalang siyang agad na ikinamatay nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad para makilala ang biktima at kung sino ang posibleng may gawa sa krimen.
- Latest